e-mail ito ng ex ko 1 month after our supposed 2nd year anniversary...nakalkal ko lng uli sa personal folder ko...parang iba na nafi-feel ko ngayong angtagal na
here it is
ang sabi ko sa sarili ko kaya ko kasi kinakaya mo, pero ang hirap pala kung nandyan ka lang, naiinis ako pag nakikita kita hindi dahil galit ako sayo,dahil nandun pa din ewan ko kung ano na nangyayari sa akin,minsan nawawaglit ka na sa isip ko dahil andyan si cathy pero dumadating ang mga panahon na inaatake ako ng pagkamiss sayo lalo na pag umuuwi ako sa bahay, kaya madalas wala ako sa bahay..alam mo minsan gusto ko nang lumapit kay sharon at kamustahin ka pero naiilang pa din ako,pwede naman sigurong malaman sa iba pang paraan kung kamusta ka na, pag tumatawag si mama sa telepono di pa rin naaalis sa pag-uusap ang tungkol sa atin, sabi ko sa kanya di mo na ko pinapansin, mga pinsan ko pagkatapos niyo magkita sa school kinukuwento nila sa akin,kung ano na itsura mo, at kamusta ang pagaaral mo..minsan naisip ko tuloy mahirap pala na kalimutan ka na lang ng ganun ganun, pero kailangan... ikaw na nga din ang nagsabi na kailangan natin to, pero di ko pa rin maiwasan... naaala ko yung una nating pagkikita, bigla bigla ka na lang pumasok sa bahay, tapos bigla ka din lumabas... ang mga araw-araw na pagtatampo mo ultimo sa mga maliit na bagay. mga paglalambing mo na kahit pagod ka na dyan ka lang palagi, concern mo sa pagaaral ko, sa pamilya ko at sa lahat ng bagay na nakapaligid sa akin,,si janet nga pala lumaban sa region 3 ng essay contest nanalo sya, hanggang ngayon di parin niya maintindihan kung ano nangyari sa inyo ni mama nung dec. ganun din mga pinsan at mga tita ko, nagtatanong pa din sila kung bakit di ka na sa bahay nakatira pero si mama na ang laging sumasagot, pero nag-aalala si darang natty at si kong berl paalis na nga rin pala siya..si joey malikot pa din..mga kabarkada nagtatanong pa din...pero di na lang ako kumikibo...yung dalawa si gin at si jean ang laging nagtatanggol sa yo sa bahay ngayon... si kuya jeremy pinagalitan ako... so far ok naman na ang subjects ko hopefully walang bumagsak..promise ko yan sayo...ayoko na sanang gawin tong sulat na to pero may nagsasabi sa akin na gawin ko...nung huli kitang nakita...sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayari sayo,tingin ko napapabayaan mo na ang sarili mo,umiinom ka pa ba ng gamot,o gingastos mo na nanaman sa ibang bagay, seryoso ang sakit mo wag mo namng pabayaan ang sarili mo, kailan ka last ngpa ecg...tapos nakita ka pa ni gin na nagyoyosi, bakit mo pa bnalik ang pagyoyosi mo..ayoko na sana talagang makialam pero atoy last request ko na to itigil mo na kahit di mo gawin para sa akin sa sarili mo na lang at sa nanay at tatay, mahal ka nila at alam ko kung gaano mo rin sila kamahal. hindi ko alam kung kailan lilipas...pero isa lang ang sigurado ko...dumating man ang ilan pang babae sa buhay ko walang papantay sa pinagsamahan natin...hindi ko na pwedeng sabihin na mahal na mahal kita pero ang masasabi ko lang may malaking butas na nawala sa akin at ikaw lang ang pwedeng magtakip non...yung mga cert. mo hiniwalay ko na at pinatago kay jean...yung hinihingi mo na pictures di ko muna mabibgay sayo yun na lang kasi kopya ko,pabayaan mo na lng sa akin kung pwede, sabi ni mama ung vcd natin bayaran na lng daw niya kung ok lng sayo. basta naiintindihan mo sana....
JUNIE FRANCIS
Currently listening to: my immortal