Isang Software Engineer si Maria sa States.
> >Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot din doon.
> >Namatay ang ina nito.
> >Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria.
> >Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
> >
> >Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha
>sa
> >salamin ng ataul.
> >Nagkomento tuloy and isang anak,
> >"Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa
> >Amerika!"
> >Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong.
> >
> >Aba!
> >May sulat sa dibdid ng ina.
> >Kinuha nila ito at binasa.
> >Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria.
> >
> >Mahal kong tatay at mga kapatid,
> >
> >Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa
> >Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya
>ay
> >mahigit $1,000 na.
> >
> >Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni
> >nanay ang mga sumusunod...
> >
> >Nasa likod ni nanay ang 24 na karnenorte.
> >And adidas na suot ni nanay ay para kay tatay.
> >Ang 5 pairs ng de-goma ay nasa loob ng 2 blue Jansports na inuunan ni
>nanay.
> >Tig-iisa kayo.
> >Ang iba't-ibang klase ng tsokolate/candy ay nasa puetan ni nanay.
> >(Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi
> >matunaw ang mga ito).
> >
> >Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate.
> >Gift ko sa 1st b'day ng bata.
> >Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.
> >Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon
> >trading cards at stickers.
> >
> >Suot ni nanay ang 3 Ralph Lauren, 4 Gap, at 2 Old Navy t-shirts.
> >Isa kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko.
> >Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
> >
> >Suot din ni inay ang 6 pantyhoses at 3 warmers para sa mga dalaga kong
> >pamangkin.
> >Isuot nyo sa party.
> >May 1 dozen NBA caps sa may paanan ni nanay.
> >(Para sa inyo, itay, kuya, Dikong, & Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng
>tig-isa
> >'yung mga pamangkin ko at yong isa ay kay Pareng Tulume).
> >
> >Ang 2 pairs ng Nike wristbands/kneecaps na suot-suot din ni nanay ay para
>sa
> >mga anak mo, Diko, na nagbabasketball.
> >Tigalawang ream ng Marlboro green at Winston Lights ang nasa pagitan ng
>mga
> >hita ni nanay.
> >4 jars ng Skippy Peanut Butter, 2 dishwashing liquids, 1 Kiwi glass
>cleaner,
> >at tig-aanim na Colgates/AquaFresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay.
> >Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.
> >
> >1 dozen WonderBras na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay.
> >Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya.
> >
> >Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay.
> >Kunin mo agad, tatay.
> >Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail
>cutters)
> >na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot-suot din ni nanay.
> >Kunin mo na rin agad, Ditse.
> >
> >1 RayBan ladies sunglasses na pa-b'day ko kay Ninang Berta, hindi ko
> >pinasuot kay nanay.
> >(Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni nanay. Nasa pink na
>plastik
> >na maliit.)
> >Mga Chanel/Champion na medyas, suot-suot din ni nanay.
> >Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.
> >
> >Mga pampers, pantyliners, cottonbuds/balls, table napkins, at mga
>scotchbrite
> >na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels..."yon bale ang
> >pinangkutson ko sa kabaong ni nanay.
> >(Marami-rami rin yon. Parte-parte rin kayo.)
> >
> >Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee
> >creamer, ilang vienna sausages na delata, barbie dolls, toothbrushes,
> >papercups, plastic spoons/forks, paper/styrofoam plates,
>perfumes/colognes,
> >pens, stationaries, envelopes, soaps, matchbox toys, used t-shirts,
> >handtowels, CD's, VHS tapes, padlocks, tools gaya ng screwdrivers, plais,
> >longnose, atbp. na hindi ko na na-itemize dahil nagmamadali ako.
> >
> >Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si Nanay
>pa
> >ang maiwan.
> >
> >Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, Dikong, at Ditse. Para sa inyo
> >lahat yan.
> >Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan
>ninyo
> >na lang ako pagkatapos ng libing. Paki-doublecheck ang lista kung walang
> >nawala sa mga ipinadala ko.
> >
> >Nagmamahal,
> >Maria
> >
> >P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay!